LOOK: Jacklyn Jose sinisi ang gobyerno dahil plastik raw ang bihon galing China “Di kita titigilan tuta ng China.”

Pinag – diskitahan ng batikan na aktres na si Jaclyn Jose ang dalawang brand ng Pansit Bihon sa video at ilang larawan na ibinahagi nito sa kanyang Instagram Account na bahagyang nag trending nito lamang Biyernes.

Gawa sa PLASTIC di – umano ang mga bihon na ito at nagbabala na iwasang bumili ng mga produktong galing Tsina sa kadahilanang nakakamatay ang mga produktong katulad nito.

Nakita din sa video na nangitim ang bugkos ng sotanghon habang ang mga ito ay pina – apoyan ng aktres.

Nagawa din ng aktres na mag – parinig sa gobyerno ukol sa kapabayaan di – umano nitong mapigilan ang Tsina sa pagtambak ng basura nila dito sa bansa.

Hindi nito napigilang mag komento sa sarili nitong post na tila ay may pinariringgang opisyal sa gobyerno. Aniya, “Di kita titigilan tuta ng China. Ano ipapasok mo pa ba sa Pilipinas yan? E mahigit pa sa drugs yan! Bata pinapatay nio. Babalik ka pa? Kapalan ba ng mukha itong gobyerno na ito para ibalik ang cheater na yan… oo matagal na pansit at sotanghon na yan! At iba pa na bulok na gawa ng China. Wag na natin tawagin ito na Pilipinas tawagin na lang natin Payatas (sorry po sa taga Payatas) bundok tayo ng basura. Buti pa basura natin naibebenta e yung ginagawa ng China kinakain may sakit ka na may kita pa sila.. Hoy! Kayo na mga na oust pls hayaan nio na kami mabuhay ng tama… ang lalakas ng tama nio. Mag sama sama kayo sa impierno kasama ang mga ginto nio.!!!”

Ayon naman sa kanyang salaysay sa video habang sinasagawa ang pagsusuri sa naturang produkto, sinabi ni Jaclyn na: “Ayan siya… Bihon. Naku mag – ingat na rin po tayo sa restaurant. Kasi baka mamaya ginagamit nila itong made in China na ‘to. Pag pinakuluan akala mo ay OKAY na eh malambot kakainon mo eh. Yun pala, it will stay in your stomach. Kaya pala nagkakasakit tayo, cancer..prostate.”

Giit pa nito, wala namang bihon na nasusunog sa apoy maliban na lamang kung ito ay peke o gawa sa plastic. Niloloko lang daw umano tayo ng mga intsik. Aniya, “kinuha na nga nila ang island natin, papakainin pa tayo ng plastic para mamatay na tayo sa Pilipinas.”

“Yan oh, talikod mo. (pinapakita ang brand ng bihon) Ang baho! Ayan, ayan ang itsura niya. Bihon yan ah. Imagine mo yung nasusunog na iyan… Lalagay natin sa bituka natin… Papatayin tayo ng mga intsik na ‘to at magiging probinsiya nila ang Pilipinas.”

Kinalaunan ay nagpasya ang aktres na burahin na lamang ang video kaya’t hindi na rin makita ang magkahating opinyon ng mga netizen. Subalit, nakuha parin ng ibang mabibilis ang kamay na maibahagi ang naturang video sa Youtube.

Panoorin ang video dito sa link: linkv

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think